Disam cover art

Creat pe feb. 4, 2026

Versuri

Asan na? Nakita mo ba? Nandyan pa ba?
Wag kang lilingon, Wag kang susulyap (Baka makita mo!2x)
Pawis pumapatak kahit malamig, mapapaluha ka
Mata nya ay pula, katawa'y itim, kilala mo na ba

Gumising ka, manalig ka, tawagin mo sya
Gumising ka, manalig ka, tawagin mo sya

Nandyan na sya, nakatingin sayo, nag mamasid sayo(Ano ang gagawin mo)
Nandyan na sya, nakatingin sayo, nag mamasid sayo(Si kamatayan)

Di makagalaw, di makahinga, may pumipigil
Bat nandyan sila? nakapalibot, nanggigigil
Mga problema, wag talikuran, may solusyon ka ba?
Pumili ka, liwanag o dilim? Tingin ko ay wala, handa ka na ba?

Gumising ka, manalig ka, tawagin mo sya
Gumising ka, manalig ka, tawagin mo sya

Nandyan na sya, nakatingin sayo, nag mamasid sayo(Ano ang gagawin mo)
Nandyan na sya, nakatingin sayo, nag mamasid sayo(Si kamatayan)

Sinubukan ko gumising sa mahimbing ko na tulog
Habang sya'y papalapit ako naman ay nahuhulog
Sa panaginip ko na yon ako pala'y binabangungot
Demonyong kaharap, labis nakaramdam ng takot
Akala ko noon ako lamang mag isa
sa apat na sulok ng silid meron palang iba
Katawan nya ay itim, mata nya'y pulang pula
Kahit san ka mag punta talagang kita ka nya
Hanggat di ka nag dudusa hindi ka nya titigilan
Kaya kung ako sayo mag dasal dasal ka muna

Nandyan na sya, nakatingin sayo, nag mamasid sayo(Ano ang gagawin mo)
Nandyan na sya, nakatingin sayo, nag mamasid sayo(Si kamatayan)
Woahhhh